TUGUEGARAO CITY- Kinondena ng Philippine Councilors League sa Cagayan ang pagpatay sa dalawang kapitan ng Tuao, Cagayan ngayong taon.

Sinabi ni Ex-officio Board Member Maila Ting Que, president ng PCL-Cagayan na nakakabahala na ang magkasunod na pagpatay kina Remegio Dela Cruz ng Brngy. Bugnay na pinagbabaril ng riding-in tandem criminals kahapon habang noong Mayo naman si Orlino Gannaban ng Brngy. Lallayug.

Dahil dito, nanawagan si Que ng patas na imbestigasyon sa nasabing mga krimen.

ang tinig ni Que

Kaugnay nito, sinabi ni Que na ipapatawag ng Sangguniang Panlalawigan ang direktor ng Cagayan Police Provincial Office sa kanilang sesyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay upang magbigay ng update sa peace and order situation sa lalawigan dahil sa mga nasabing patayan.

Sinabi ni Que na tila hindi nagagampanan ng PNP ang kanilang trabaho gayong malaki ang ibinibigay na suporta sa kanilang hanay ang pamahalaang panlalawigan.

muli si Que