TUGUEGARAO CITY-Nakalikom ang Philippine Councilors League (PCL) ng tulong para sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Ayon kay City Councilor Maila Ting-Que ,presidente ng PCL-cagayan chapter, magbibigay ng tig-P200,000 ang kanilang grupo sa probinsiya ng Cagayan at Apayao na mula sa PCL national chapter.

Aniya, pag-uusapan pa ng kanilang grupo kung paano ang distribution ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Bukod dito, sinabi ni Que na nagbigay din ng P3.5Milyon ang lungsod ng Davao City .

Batay sa resolusyon na natanggap ng PCL, ibibigay ang tig-P1 milyon sa Apayao at Cagayan habang tig-P300,000 ang bayan ng Sta Praxedes, Claveria, Abulug,Allacapan at Camalanuigan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Que na maaring nagbase ang nasabing lungsod sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga natatanggap na report.

Dagdag pa ni Que na titignan din ng kanilang grupo kung ang isang milyon na matatanggap ng probinsiya ay gagamitin na lamang sa pagbibigay ng tulong sa mga bayan na hindi kasama sa resolusyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Que na hinihintay na lamang ng kanilang grupo na mai-download ang nasabing halaga para ito’y maipamahagi na.

Samanta, hinimok naman ni Que ang publiko na dapat sundin ang mga ipinapatupad na ordinansa ng bawat opisyal para sa pangangalaga ng kalikasan.

Laking gulat aniya ng kanyang mamonitor ang lawak at tagal ng araw bago humupa ang pagbaha sa mga lugar na dati ay hindi naman binabaha.