Namahagi ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Regional Office 2 ng indemnity checks na nagkakahalaga ng ₱1,709,748.00 sa 218 magsasaka sa bayan Ng Amulung, Cagayan.
Ang mga indemnity checks ay ibinigay sa mga magsasaka na nakaranas ng matinding pagkalugi dulot ng tagtuyot, na labis na nakaapekto sa tanim at ani Ng mga magsasaka
Ipinaliwanag ni 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐆. 𝐋𝐮𝐦𝐢𝐛𝐚𝐨, officer in charge ng pcic region 2 na bagamat hindi sapat ang indemnity checks upang matugunan ang lahat ng gastos na nawala dahil sa tagtuyot, ito ay magsisilbing mahalagang suporta bilang panimulang pondo para sa susunod na pagtatanim.
Samantala nagpahayag naman ng pasasalamat.ang mga magsasaka para sa napapanahong tulong, na nagsasabing ang indemnity claim payment ay makatutulong sa pagharap sa mga agarang pangangailangan at paghahanda para sa susunod na pagtatanim.
Ang pamamahagi ng indemnity checks ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PCIC RO2 na suportahan ang mga magsasaka ng Rehiyon 2 at Eastern Cordillera Administrative Region, partikular sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng masamang kondisyon ng panahon.