Ipinresenta ni Philippine Navy Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa naging pagdinig ng Senado ang kopya ng resulta ng kanilang naging ‘Insider Threat Program’ sa ahensya.

Sa naturang programa, ipinakita niya ang apat na pangalan ng mga indibidwal na lumutang dito at ito ay sina Lawrence, Allison, Danny at Charles, pawang hindi mga totoong pangalan ng mga taong sangkot sa sinasabing spying o paniniktik sa bansa.

Ani Trinidad, base sa kanilang operasyon, inalok ang mga nasabing indibidwal na pawang mga fresh graduates na magtrabaho sa isang foreign national bilang consultant o columnist.

Bago sila tanggapin sa trabaho ay hihinggan muna sila ng kanilang write up at pagkatapos nilang matanggap ay uutusan na silang gumawa ng sulat tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng modernization na ginagawa sa Philippine Navy.

Ayon kay Trinidad, ang mga bayad kina Lawrence ay ipinapadala minsan sa pamamagitan ng electronic transfer o di kaya ay via food delivery.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito, nagpaabot ng pagkabahala ang senadora sa sitwasyong ito ngunit pagtitiyak ng mga ahensyang may kaugnayan dito na may ginagawa silang aksyon para malabanan ito.