Dumating na sa Batanes ang Philippine Navy vessel na BRP AGTA upang ihatid ang unang batch ng iba’t ibang relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Julian.

Ang unang biyahe ng BRP AGTA ay nagdala ng 864 na sako ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) na hiniling ni Gobernador Marilou Cayco mula sa Office of the Civil Defense, kasama ng iba’t ibang relief goods at iba pa.

Tiniyak Naman ni LCDR Pitzevan M. Landicho ng BRP AGTA, ang dedikasyon ng kanilang team na maglingkod sa mga taga-Batanes sa panahon ng kanilang pagbangon.

Nagpahayag naman ng lubos na nagpapasalamat ang pamahalaan ng Batanes sa buong Philippine Navy, sa crew ng BRP AGTA, at sa lahat ng mga institusyong nagpaabot ng tulong at suporta habang patuloy na bumabangon ang lalawigan mula sa epekto ng Bagyong Julian.

-- ADVERTISEMENT --