Naglabas ang National Mapping and Resource Information Authority (Namria) ng updated na official map na nagpapakita sa West Philippine Sea (WPS) at nagtatatag sa maritime limits ng bansa.

Ayon sa Namria, ang kanilang bagong mapa ay alinsunod sa batas ng bansa at international standards.

Sa pahayag, sinabi ng Namria na ang updated map ay ang paggamit sa pangalang “West Philippine Sea,” sa na alinsunod sa palisiya ng bansa noong 2012.

Inilabas ng ahensiya ang paglilinaw sa gitna ng debate kung saan ang dapat na exclusive economic zone ng bansa sa official maps.

Ang sertipikadong mapa ng Namria ay inilabas din sa gitna ng panibagong alitan sa pagitan ng mga opisyal ng bansa at China sa West Philippine Sea dispute.

-- ADVERTISEMENT --