Ang Philippine Ports Authority (PPA) ay naglaan ng P16 bilyon para sa pagpapalawak at pagsasaayos ng mga pangunahing proyekto sa mga pantalan sa bansa sa susunod na apat na taon.
Ayon kay Jay Santiago, general manager ng PPA, ito ay upang maisakatuparan ang 14 mahahalagang proyekto sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.
Sa Luzon, kasama sa mga proyekto ang Port Capinpin, Currimao Port, Jose Panganiban Port, Bologo Port, at Claveria Port. Sa Visayas, kabilang dito ang Catacbacan Port, Tapal Port, Babatngon Port, Banago Port, at Ormoc Port, kasama na rin ang pagtatayo ng bagong pantalan sa Northern Samar.
Sa Mindanao, magkakaroon ng bagong pantalan sa Dapa, Surigao del Norte, pagpapabuti ng Port of Sasa, at pagpapalawak ng pantalan sa Misamis Occidental.