Nasagip ang isang batang Philippine Serpent Eagle sa Barangay Sapu Padidu, Malapatan, Sarangani matapos umanong atakihin ng mga uwak noong Setyembre 7.

Ayon sa DENR Soccsksargen, nakita ng isang residente ang ibon na nasa distress at agad humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa isinagawang pagsusuri, walang nakitang malinaw na pinsala sa agila at nasa maayos itong kondisyon.

May sukat itong 53.34 sentimetro mula nguso hanggang vent at maaari nang pakawalan sa natural nitong tirahan matapos ang kaukulang site assessment at pagsunod sa mga protocol ng DENR.

Nakipag-ugnayan ang DENR sa barangay para sa maayos na pagpapakawala sa ibon.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na ireport sa mga awtoridad ang mga nasugatan, nasa panganib o naliligaw na wildlife.