TUGUEGARAO CITY- Nakapaglagay na ang Philippine Navy Northern Luzon ng mga sovereign marker sa mga isla sa Northern Luzon.

Sinabi ni Lt. Jayvee Abuan, tagapagsalita ng PNNL, ito ay bilang tugon sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ipakita sa mga dayuhan na teritoryo ng Pilipinas ang mga nasabing Isla na uninhabited o walang nakatirang mga tao.

Kabilang sa mga isla na nilagyan ng isang metro ang taas na concrete at nakaukit ang bandila ng Pilipinas at pangalan ng isla ay ang mga isla sa Itbayat sa Batanes na kinabibilangan ng Di’nem, Misanga, Ah’li at Siayan.

Maging ang mga isla sa bahagi ng Sabtang, ang Vuhos at Dequey.

Nilagyan din ang mga isla ng Palaui at Dos Hermanos sa Sta. Ana at Pinion at Balintan sa Calayan, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Abuan

Sinabi ni Abuan na pinili ang mga nasabing isla dahil sa agad itong nakikita ng mga dumadaan na mga barko na pagmamay-ari ng mga Filipino o mga dayuhan.