
Pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) ang publiko na iwasang pumunta sa dagat at ipagpaliban pansamantala ang mga nakatakdang aktibidad sa mga baybaying bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands.
Ito ay kasunod ng tsunami advisory na inilabas ng PhiVolcs dahil sa magnitude 8.7 na lindol sa Kamchatka, Russia.
Ayon sa PhiVolcs, nasa isang metro ang taas ng tsunami wave ang posibleng maranasan mamayang 1 p.m. p.m. na tatagal hanggang 2 p.m.
Bukod sa Cagayan, kasama sa mga lugar na kasama sa advisory ang:
Isabela
Aurora
Quezon
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Catanduanes
Northern Samar
Eastern Samar
Leyte
Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Davao del Norte
Davao Oriental
Davao Occidental
Davao del Sur
Davao de Oro
Pinayuhan ng PhiVolcs ang mga residente na malapit sa dalampasigan sa mga nasabing probinsiya na lumikas at pumunta sa ligtas na lugar.
Pinayuhan ang mga may mga bangka sa mga pantalan na ilagay sa ligtas na lugar ang mga ito.