Nailatag na ng Cagayan Provincial Health Office ang lahat ng panuntunan para sa paglarga ng ikatlong bugso ng national vaccination drive ngayong araw Pebrero 10 hanggang 11 ngayong taon.

Ayon kay Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer, 70k ang ibinigay na target ng national government sa probinsya na dapat mabakunahan kasabay ng pagsasagawa ng national vaccination.

Sinabi ni Cortina na sa ngayon ay naabisuhan na ang lahat ng mga District Hospitals at mga Rural Health Units sa probinsya upang palakasin pa ang kanilang vaccination drive.

Saad pa niya, pagkatapos ng dalawang araw na national vaccination drive ay uumpisahan naman sa Lunes, Pebrero 14 ang pilot vaccination sa mga edad 5-11 kung saan 145k ang projected population na dapat na mabakunahan.

Aniya, isasagawa ito sa Cagayan Valley Medical Center at sa iba pang Rural Hospital sa probinsiya na may mga pediatrician na mangangasiwa sa pagbabakuna sa nasabing age group.

-- ADVERTISEMENT --

Una dito ay nakapagbaba na aniya ang national government ng mahigit 10k pfizer vaccines na gagamitin sa pagbabakuna sa mga bata.

Samantala, sa dating 70% mula sa kabuuan ng population sa probinsya ay itinaas pa sa 80% na katumbas ng mahigit 960k individuals ang target mabakunahan mula sa hanay ng general population para sa pag-abot ng herd immunity.

sinabi ni cortina ,kahit na matapos ang dalawang araw na vaccination drive ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng bakuna sa para 1st at 2nd dose maging ng booster shot upang magkaroon ng sapat na proteksyon ang publiko laban sa virus.

iginiit niya na huwag matakot magpabakuna dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang severe o kritical cases kung tinamaan ng COVID-19 na nagiging sanhi ng posibleng pagkamatay habang kung fully vaccinated na at nakatanggap na ng booster shot ay panatilihin naman ang healthy lifestyle at pagsunod sa mga health protocols upang maingatan ang sarili laban sa iba pang mga sakit.