TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ng provincial health office na magtatagal hanggang sa dalawang buwan ang medical supplies sa Cagayan laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Carlos Cortina, provincial health officer,una narin silang nagpamahagai ng gamit tulad ng disinfectant at alcohol sa mga district hospital at sa quick response team ng probinsiya.

Aniya, may 150 naman ang PPEs o Personal protective Equipment na nakastand by na gagamitin ng mga health workers na magdadala sa mga covid patient sa Cagayan valley Medical Center mula kanilang lugar .

Bukod dito, namigay din ang provincial government ng Cagayan ng PPEs at iba pang medical supplies sa CVMC .

Tinig ni Dr. Carlos Cortina

Samantala, pinaghahanda na rin ng provincial government ng Cagayan ang mga Local Government unit (LGUs) sa kanilang mga quarantine area para sa gagawing mass testing.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, sa quarantine area mananatili ang mga indibidwal na makikitaan ng sintomas ng covid-19 maging ang mga overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa kanilang mga bayan.

Tinig ni Dr. Carlos Cortina