Tuguegarao City- Nababahala ngayon ang Cagayan Provincial Health Office (PHO) sa biglaang pagtaas ng

local transmission ng virus sa bayan ng Claveria.

Sa panayam kay Dr. Carlos Cortina, Prov’l Health Officer, isang rason na nakikita sa pagdami ng

aktibong kaso ngayon sa nasabing bayan ay ang pagdating ng mga Authorized Person Outside Residence
(APOR) mula sa gov’t at private entities.

-- ADVERTISEMENT --

Makikita aniya sa trend na ang karamihan sa mga lugar na may matataas na kaso ng virus ay ang mga

Centro barangays ng Claveria na sentro ng kalakalan at iba pa.

Kaugnay nito ay nagsagawa na aniya sila ng pakikipagpulong sa Municipal IATF ng Claveria upang mapag-

usapan ang mga planong ilalatag sa pagkontrol ng virus kasama na ang pagkakaroon ng mass testing sa

mga symptomatic residents at mga APOR.

Binigyang diin nito na dapat agapan sa lalong madaling panahon ang pagtaas ng kaso ng virus sa

nasabing bayan dahil konti pa lamang ang mga nakatanggap ng bakuna mula sa hanay ng A1 at A2 priority

list at hindi pa sila nakakapagsimula para sa mga nasa A3 group.

Sinabi niya na ito ay dahil na rin sa limitadong supply ng mga bakuna.

Gayonman, ikinatuwa naman nito na sa kabuuan sa buong probinsya ay mayroon naman umanong pagbaba ng

kaso ng COVID-19 kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan kung saan nangunguna ang Tuguegarao City sa

may mataas na aktibong kaso ng virus.

Pumapangalawa naman ang Claveria na may mataas na aktibong kaso ng COVID-19.

Sa datos ng Municipal Health Office ng Claveria, umaabot sa 184 na katao ang kabuuang bilang ng mga

nagpapagaling pa matapos tamaan ng virus.

Nabatid na apat na miyembro din ng PNP Claveria ang tinamaan ng COVID-19.

Sa kabuuan ay sumampa na sa 410 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa nasabing bayan at 216 dito ang

recovered habang 10 naman ang mga nasawi.

Sa ngayon ay plano ng Pamahalaang Bayan ng Claveria na magsagawa ng mass testing sa susunod na Linggo

kung saan target na isailalim sa pagsusuri ang nasa mahigit 3k na mga indibidwal.