
Inamin ni Senator Pia Cayetano na nakakaramdam siya ng takot at pressure habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa sesyon ng Senado, sinabi ni Cayetano na nangangamba siya para sa kanyang kalayaan at karapatang magsalita, lalo na’t ilang senador mula sa minority bloc ang nahaharap sa magkakahiwalay na kaso.
Kabilang dito sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakakulong dahil sa magkahiwalay na plunder cases, habang si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay nagtatago kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC. Si Senator Loren Legarda naman ay ilang linggo nang hindi dumadalo sa impeachment trial dahil nasa abroad sa medical leave.
Binanggit din ni Cayetano ang pahayag umano ng NBI director na minonitor ang kanyang kinaroroonan at alam ang petsa ng kanyang pagbabalik mula Singapore.
Samantala, tinukoy niya ang ruling ni Presiding Officer Francis Escudero na kailangan ng 16 affirmative votes, o two-thirds ng buong Senado, para sa conviction sa impeachment case.




