Gumuho ang Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan nitong hapon ng Lunes, Oktubre 6, 2025.

Batay sa inisyal na ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Alcala, bumagsak ang tulay habang may ilang ten-wheeler trucks na tumatawid dito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya upang magsagawa ng imbestigasyon at beripikahin kung may mga nasugatan o nasawi sa insidente.

Sa ngayon ay isinara na sa trapiko ang bahagi ng Piggatan Bridge habang patuloy ang assessment ng mga awtoridad hinggil sa lawak ng pinsala.

Inaalam na rin ang sanhi ng pagbagsak at kung may structural issues o sobrang bigat ng kargamento ng mga sasakyang dumaan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Jct. Gattaran – Cumao – Capissayan – Sta. Margarita Bolos Point Road patungong Baybayog – Baggao – Sta. Margarita Road (pabalik din) bilang alternatibong ruta.