Nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at China kaugnay sa “temporary arrangement” para sa rotation and resupply mission (Rore) mission ng pang-araw-araw na pangangailangan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Gayonman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ukol dito ang Department of Foreign Affairs.
Ang kasunduan ay matapos ang ilang serye ng konsultasyon kasunod ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa sa 9th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea sa Manila noong July 2.
Una rito, sinabi ng DFA na si Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro ang naging kinatawan ng bansa sa nasabing pulong kay Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong.