Plano ng Philippine Army na bumili ng US Typhon missile system para protektahan ang maritime interests ng bansa.

Matatandaan inilagay ng US Army ang mid-range missile system sa northern Philippines ngayong taon para sa annual joint military exercises kasama ang mga kaalyado nito sa kabila ng kritisismo ng China na nagdudulot ng gulo sa Asya.

Mula noon ay ginagamit na ng mga sundalo ng bansa ang naturang missile system para sa pagsasanay ng operasyon nito.

Ayon kay Philippine Army chief Lieutenant-General Roy Galido, aabutin ng dalawa o higit pang taon para makabili ang Pilipinas ng mga bagong armas o weapon systems mula sa planning stage.

Hindi pa rin naman ito napopondohan para sa taong 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Ang land-based “mid-range capability” missile launcher, na binuo ng US firm Lockheed Martin para sa US Army, ay may range na 300 miles (480 kilometers).