Muling hinkayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Pilipinong eksperto na patuloy na manaliksik ng mga makabagong inobasyon upang maiangat pa ang katayuan ng Pilipinas sa Global Innovation Index.
Ayon kay Engr. Sancho Mabborang, regional director ng DOST-RO2, na umangat sa ika-54 na posisyon ang ranking ng Pilipinas sa 179 bansang kasali sa 2019 Global Innovation Index kumpara sa naging ranking nito noong 2018 at 2017.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok ang bansa sa kategoryang “innovation achiever.”
Sinabi ni Mabborang na ang pag-angat ng bansa sa aspeto ng innovation ay nagpapatunay na kaya ng mga Pilipino na maki-pagsabayan at makipag-kumpetensiya sa ibang bansa.
Umangat ang Pilipinas ng 19 pwesto pagdating sa makabagong ideya, batay sa global index na inilabas ngayong taon.
—with reports from Bombo John Andrew Caronan