Target ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng puting sibuyas ngayong taon.
Sinabi ni Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, inaprubahan ni Secretary Francisco Tiu Laurel ang rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry (BPI) na importasyon ng 16,000 metric tons ng puting sibuyas hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay Laurel, kinakapos na umano ang suplay ng nasabing sibuyas sa bansa.
Sinabi niya na maglalabas ang DA ng sanitary at phytosanitary import clearances sa kada dalawang linggo upang maiwasan ang over supply ng produkto sa local market at maiwasan na maapektohan ang kasalukuyang stocks ng pulang mga sibuyas.