Ayon sa Family Code of the Philippines, kinikilala lamang sa Pilipinas ang diborsyo na isinagawa sa ibang bansa kung ang mag-asawa ay isang Pilipino at isang dayuhan, o kung parehong Pilipino ngunit naging dayuhan ang isa bago mag-file ng diborsyo sa ibang bansa.

Hindi sapat na isumite lamang sa Philippine Statistics Authority ang foreign divorce decree.

Kinakailangan itong dumaan sa korte sa pamamagitan ng petition for recognition of foreign judgment o petition for recognition of divorce upang masuri ang legalidad ng diborsyo sa bansang pinagkunan nito.

Karaniwang inihahain ang petisyon sa Regional Trial Court at maaaring kailanganing humarap ang petitioner o magtalaga ng kinatawan sa pamamagitan ng special power of attorney.

Depende sa daloy ng pagdinig, maaaring tumagal ng isa hanggang ilang taon bago tuluyang kilalanin ang diborsyo sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --