Gumawa ng kasaysayan ang Pilipinas, matapos na mapanalunan ang kauna-unahang Asian Winter Games gold medal matapos na talunin ng men’s curling team ang South Korea, 5-3, sa finals sa Harbin, China.
Hindi lamang ito golden finish, ito ay nagmarka ng milestone para sa bansa, dahil ito ang unang medalya na nakuha ng Pilipinas sa Asian Winter Games.
Kontrolado ng Filipino squad na binubuo nina Marc Pfister, Enrico Pfister, Alan Frei, Christian Haller, at Benjo Delarmente ang laro na nagbigay daan sa kanilang panalo.
Hindi naging madali sa koponan na makamit ang gintong medalya, dahil sa hinarap muna nila ang powerhouse opponents.
Sa semifinals, tinalo ng Pilipinas ang China na nagdala sa kanila sa championship match.
Unang nakalaban ng koponan ang Japan sa semis qualifier.
Sa round-robin phase, nagtapos ang Pilipinas sa ikalawang puwesto sa Group A sa record na 3.1.