Nananatili ang bansa sa top five countries na may pinakamaraming kaso ng tuberculosis (TB) sa mundo.

Batay sa World Health Organization’s (WHO) Global Tuberculosis Report 2024, 1.25 million na katao ang namatay dahil sa TB sa mundo nitong 2023, kung saan nangunguna na naman ito na infectious disease killer, nalampasan ang Covid-19 mula 2020 hanggang 2022.

Ayon sa report, tinatayang 10.8 million na katao sa buong mundo ang nagkasakit ng TB noong 2023, kung saan 12 percent sa bilang ay mga bata at adolescents

Sinabi ng WHO, habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng TB sa buong mundo, limang bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso, na kinabibilangan ng India, Indonesia, China, Pilipinas at Pakistan.

Kabilang din ang Pilipinas sa 10 mga bansa na itinuring na “high burden” sa TB incidence, bilang ng pasyenta na may TB at HIV, at bilang mga pasyente na mudlti-drug resistant (MDR) sa TB.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa WHO data, may 739,000 Filipinos ang nagkaroon ng TB noong 2023.

Sa nasabing bilang, 5,400 ang may TB at HIV coinfenction.

Tinataya din ng WHO na 37,000 Filipinos na may TB ang namatay noong 2023, kung saan ito ang pinakauna na dahilan ng pagkamatay sa bansa.

Ang MDR-TB ay isang TB na sanhi ng bacteria na hindi na tumutugon sa isoniaszid at rifampicin, ang dalawang pinaka-epektibong gamot sa nasabing sakit.

Itinuturing ng WHO ang MDT-TB na isang public health crisis at health security health.