Hinihikayat ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang privet sector investors na mamuhunan sa lumalagong tourism industry sa bansa, kung saan tinukoy ang nanganganib na kakulangan ng mahigit 120,000 na hotel rooms sa 2028.

Sinabi ni Frasco, may ambag na ang nasabing industriya na halos 9 percent sa gross domestic product.

Ayon sa kanya, isa ang tourism industry na mahalaga sa ekonomiya ng bansa, na suportado ng paglaki ng bilang ng domestic at international travel.

Sinabi ni Frasco na may 335,592 hotel rooms sa buong bansa, subalit ang kasalukuyang demand projections ay nagpapakita ng kakulangan sa susunod na dalawang taon.

Umaapela rin ang DOT ng karagdagang investments sa aviation at airport infrastructure sectors sa harap ng patuloy na pagtaas ng demand sa domestic at international travel.

-- ADVERTISEMENT --