Tiniyak ng pamahalaan na nananatili ang pagsunod ng Pilipinas sa ‘One China Policy.

Kasabay nito, sa isang pahayag ay idiniin ng gobyerno ng bansa ang hindi pagkilala sa Taiwan bilang sovereign state.

Ayon sa Pilipinas, ang polisiyang ito ay malinaw at hindi matitinag.

Kasabay niyan ay hindi naman umano mawawala ang economic at people-to-people engagements ng bansa sa Taiwan, lalo na sa trade, investment, at turismo.

Samantala, sa gitna ng tinatayang 200,000 mga Pinoy na nasa Taiwan – panawagan ng Pilipinas ang interes ng kapayapaan at kakatagam sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --