Napanatili ng bansa ang titulo nito na world’s second-largest exporter ng pinya, sumunod sa Costa Rica, kung saan tumaas ang volume sa 2 percent noong 2023 dahil sa tumataas na demand mula sa China.

Sinabi ng United Nations’ Food and Agriculture Organization sa kanilang pinakahuling major tropical fruits market review, nag-export ang bansa ng nasa 600,000 metric tons ng pinya noong 2023, mas mataas ng 2.7 percent mula sa volume sa nakalipas na taon.

Hindi nagbigay ang FAO ng comparative figures sa exports ng pinya ng bansa, subalit sinabi na taon-taon ay tumaas ang volume mula 2021 hanggang 2023.

Gayonman, hindi naabot ang 626,000 MT ng pinya na naipadala sa mga pangunahing merkado noong 2019.

Sinabi ng FAO na ang pagtaas ng export ng pinya nitong 2023 ay dahil sa 3-precent increment sa shipments sa China.

-- ADVERTISEMENT --

Ang China ang nangungunang consumer ng locally produced na pinya, kung saan mayroon itong 43 percent ng total exports, sinundan ng Japan at Korea na may 30 at 14 percent batay sa pagkakasunod.