Namatay ang isang 53-anyos na Pilipinong turista habang nagbabakasyon sa Hong Kong.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado ang pagpanaw ng Pilipino pero wala na itong ibang detalye na ibinigay tungkol sa nangyari sa kaniya.

Ngunit sa ulat ng South China Morning Post, nakasaad na 53-anyos ang Pinoy at isang lalaki at mayroon umanong hypertension at iba pang karamdaman.

Pumanaw umano ang Pinoy matapos na mawalan ng malay habang nasa isang ride sa “Frozen Ever After” attraction sa Hong Kong Disneyland.

Ayon sa DFA, nakipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng biktima at maging sa mga kinauukulan sa Hong Kong para sa pagtulong sa pagproseso sa repatriation ng mga labi ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Sa inilabas na statement ng Hong Kong Disneyland Resort, batay sa initial investigation, walang kaugnayan ang insidente sa “ride safety.”

Dahil sa nasabing insidente, pansamantala na sinuspindi ng park ang “Frozen Ever After” ride hanggang September 19, para umano sa ipapatupad na “operational adjustments.”