TUGUEGARAO CITY-Binabantayan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO)-Tuguegarao ang mga mababang lugar sa lungsod dahil sa posibleng pagbaha na dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Ayon kay Choleng Sap, head ng CDRRMO-Tuguegarao, sarado na sa lahat ng uri ng sasakyan ang Pinacanauan nat Tuguegarao Avenue dahil sa pag-apaw ng tubig.
Bukod dito, nakatutok din ang kanilang hanay sa posibleng muling pagbukas ng spillway gate sa Magat dam sa Isabela dahil marami ang posibleng maapektuhan sa lungsod.
Pinayuhan naman ni Sap ang publiko na huwag manguha ng kahoy sa ilog dahil malakas ang agos at para makaiwas sa anumang insidente.
Samantala, sinabi ni Engr. Wilfredo Gloria ng magat dam reservoir, isang spillway gate ang nakabukas na mat 512 cubic meters per second ang out flow.
Pinawi naman ni Gloria ang pangamba ng publiko na magdudulot ito ng malawakang pagbaha sa Cagayan dahil regulated naman ang kanilang pagpapakawala ng tubig.