Mabenta sa China ang ginugupit na kuko, na para sa karamihan ay nakakadiri.

Subalit ayon sa Chinese traditional medicine, mahalagang sangkap ang tinatanggal na kuko sa concoctions na ginagamit para gamutin ang abdominal distensions sa mga bata at tonsilitis.

Binibili daw ng mga kumpanya na gumagawa ng traditional Chinese medicine ang mga pinaggupitan na mga kuko mula sa mga eskwelahan at mga pamayanan, na kanilang maiging hinuhugasan bago pinapatayo at ginigiling hanggang sa maging pulbos na inihahalo sa iba’t ibang medicinal products.

Mahal umano ang bentahan ng mga nasabing kuko sa China, dahil pahirapan din ang pangongolekta ng mga ito.

Ayon sa Chinese media outlet Kankan news, isang babae sa Hebei ang nagbebenta ng mga tinanggal niyang mga kuko online sa halagang 21 dollars per kilo.

-- ADVERTISEMENT --

Inipon niya ang mga ito buhat noong siya ay bata pa hanggang sa magpasiya siya na ibenta ang mga ito.

Humina ang paggamit ng kuko ng tao sa Chinese traditional medicine buhat noong 1960s, nang magsimula na ring sumikat ang paggamit ng nail polish.

Subalit sa ngayon ay bumabalik muli ang paggamit ng mga kuko para sa Chinese traditional medicine.