TUGUEGARAO CITY- Natukoy na galing sa Batanes ang module na may item ukol sa Igorot na nakakainsulto at may diskriminasyon na nag-viral sa social media matapos na ito ay I-post.
Sinabi ni Estela Cariño, Director ng Department of Education- Cordillera Administration Region na naimprenta ang nasabing module at nakarating sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Cariño, nakita ito ng isang guro na isa ring Igorot sa Bambang at ipinost niya ito sa Facebook.
Sinabi ni Cariño na na-upload ang nasabing module sa DepEd Region 2 kaya agad niyang sinabihan ang director ng rehion na agad itong aksionan.
Agad naman aniya na tinanggal sa portal ng DepEd Region 2 ang nasabing module.
Sinabi ni Cariño na nakalusot sa quality assurance ang nasabing learning activity.
Kaugnay nito, sinabi ni Cariño na magsilbi sana itong wake-up call at maging maingat sa paggamit sa mga indigenous people, hindi lamang sa Igorot sa mga module.
Sa katunayan, sinabi niya na maging siya nay naba-bash dahil sa nasabing item sa module na wala umano siyang ginagawa.
Sinabi ni Cariño na may guidelines naman ang DepEd central office ukol sa katulad na usapin.
Kaugnay nito, sinabi ni Cariño na maghahain umano ng resolution sa kamara ang congressman ng Benguet at Kalinga upang hilingin na itigil ang pag-aalipusta at discrimination sa mga IPs.