Naging matagumpay umano ang pinakahuling resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pagtatangka ng China Coast Guard na sirain ang nasabing aktibidad.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippine(AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa kabila ng onstruction ng CCG noong May 19, naging matagumpay sa pangkabuuan ang nasabing misyon para sa mga magigiting na tropa sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Matatandaan na kinumpiska at itinapon ng CCG ang mga pagkain at iba pang supplies na para sana sa mga tropa at tinangkang pigilan ang medical evacuation sa mga nagkakasakit na mga sundalo na nakatalafa sa BRP Sierra Madre noong May 19.
Gayonman, sinabi ni Padilla na karamihan sa mga supplies ay nakuha pa rin ng tropa at matagumpay na nadala sa BRP Sierra Madre.