Itinaas ng Magat Dam ang pinapakawalan nitong tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig dulot ng shearline.

Ayon sa National Irrigation Administration-Mariis Dam and Reservoir Division (NIA-MARIIS DRD), kaninang alas-8 ng umaga ngayong Linggo ay itinaas sa hanggang dalawang metro ang nakabukas na isang spillway gate sa Magat Dam.

Ito ay magpapakawala ng tinatayang 417 cubic meter per second ng tubig.

“Very minimal” lamang aniya ang pakakawalang tubig at halos walang epekto sa mga katubigan.