Nagsilbing host ang isang football field sa Luzhniki Olympic Sports Complex sa labas ng Moscow, Russia ng pinakamahabang football game sa mundo na nagtagal ng 26 na oras.
Upang ipagdiwang ang All-Russian Football Day noong Sabado, nagtipon ang dalawang koponan na may tig-pitong players sa Luzhniki Olympic Sports Complex para basagin ang record sa pinakamahabang football match.
Nagsimula ang laro ng hapon ng Sabado at tumagal ng 26 na oras.
Ang unang record ay naitala noong 2014 na nagtagal ang laro ng 24 hours.
Sa nasabing laro, tinalo ng Red Team ang White Team sa score na 416 goals kontra sa 409.
Dahil ang laro ay 7 vs 7 format, hindi ito ikinonsidera na official football game.
Dahil dito, hindi ito isasailalim sa validation ng Guinness World Records.
Gayonman, mailalagay naman ito sa Russian Book of Records.
Sa loob ng 26 hours, pagkatapos ng dalawang oras na paglalaro ay mayroon silang walong nimuto na bathroom break.