Nakapagtala ng record ang isang balahibo mula sa matagal nang nawala na ibon na huia sa New Zealand matapos na maibenta ito sa $46,521 NZD o nasa $28,400 USD, ayon sa isang auction na namahala sa pagbebenta nito.

Ayon sa Webb’s Auction House, huling nakita ang ibon noong 20th century at ang mga balahibo nito ay unang naibenta ng hanggang $8,400 NZD.

Ang balahibo ng huia bird ay pambihira at ito ay isang magandang halimbawa ng natural history ng Aotearoa at ito ay paalala sa karupukan ng ating ecosystem.

Ang nasabing balahibo ng ibon ay marka ng mataas na estado ng pamumuhay noong unang panahon, habang ang iba naman ay ginagamit para sa ceremonial headdresses.

Ayon sa Museum of New Zealand, tanging ang mga ranggong chief ang pinapayagan na gumamit ng balahibo ng huia sa kanilang buhok o sa balat sa kanilang taynga.

-- ADVERTISEMENT --

Madalas na ipinapalit ang balahibo para sa valuable goods o ibinibigay na regalo bilang pagpapahiwatig ng pagkakaibigan at respeto.

Ipinaliwanag ng museum na pinapatay ng mga hunters ang maraming huia birds noong 19th century, at ibinebenta ang balat nito sa mga collector at merchants.

Nabigo ang pagsisikap ng mga scientists noong 1900s na ipreserba ang natitirang huia birds.