Tinanghal ang bayan ng Xonacatlan, Mexico sa Guinness Book of World Records na may pinakamalaking teddy bear sa mundo.
Tinatayang higit 20 metro ang haba at may bigat na 4 na tonelada ang teddy bear na tinahi ng mga residente roon.
Inabot ng tatlong buwan bago nakumpleto ang higanteng stuffed toy na pinangalanang “Xonita” ng mga gumawa sa kanya at limang oras din ang mga pagsukat ng mga opisyal ng Guinness Book of Records
Ang dating pinakamalaking teddy bear sa mundo ay matatagpuan sa Kansas, USA, na nasa 16.86m ang haba.