TUGUEGARAO CITY-Target ng Local Government Unit (LGU) Tuguegarao na talunin ang bansang Indonesia na kasalukuyang may hawak ng Guinness Book of World Records na may pinakamaraming tao na pumarada na may hawak ng nakasinding sulo o torch.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, plano niyang lagpasan para sa susunod na taon ang bilang sa Indonesia na 3,777 na pumarada na may hawak na torch.

Sa katatapos na “Afi Dance Exhibition” 2019 nasa 3,500 na estudyante lamang ang sabay-sabay na sumayaw na may hawak na nakasinding torch.

Dahil dito, susubukan aniya ng kanilang tanggapan kasama ang iba’t-ibang organisasyon na gawing 4,000 katao ang sasayaw para makuha ng lungsod ang Guinness Book of World Records.

Labis naman ang pasasalamat ni Soriano sa mahigpit na pagbabantay ng kinauukulan sa pagpapanatili ng kaayusan at katamikan ng lungsod habang ipinagdidiwang ang kapistahan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, mamayang gabi ay gaganapin ang Coronation Night ng Miss Tuguegarao 2019 sa Cagayan Coliseum habang bukas, araw ng Sabado gaganapin ang motocross sa Brgy. Carig Sur.