Isang lalaki sa Texas ang naitala ng Guinness World Records na may pinakamaraming koleksyon ng video games kung saan umabot pa ng walong araw ang pagbibilang.

Kinumpirma ng Guinness na si Antonio Monteiro ang may-ari ng pinakamalaking koleksiyon ng video games sa buong mundo.

Matatagpuan sa bahay ni Monteiro sa Richmond, Texas ang 20,139 video games at 100 consoles kung saan nilalaro ang mga ito.

Kumpleto ni Monteiro ang lahat ng laro sa iba’t ibang console, kabilang na ang PlayStation 2, PlayStation 3, Sega Dreamcast, PSP, PS Vita, Xbox, Xbox 360, Game Boy, Game Boy Advance, Game Cube, Wii at Atari Jaguar.

Mayroon din siyang mga pambihirang laro, katulad ng isang video game na inilabas lang ng Nintendo para sa US military.

-- ADVERTISEMENT --