Naitala ngayong araw ng Martes sa Aparri, Cagayan ang pinakamataas na heat index ngayong taon.
Sa datos ng DOST-PAGASA, pumalo sa 57.6°C na heat index sa bayan ng Aparri dakong alas 2:00 ng hapon.
Nalagpasan nito ang 51.7°C na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na naitala noong April 9.
Ayon sa Pagasa, ang heat index o init na nararamdaman ng katawan ng tao na mahigit pa sa 41 degrees Celsius ay tinatawag nilang nasa “danger level” na maaring makaranas ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.
Habang ang heat index na mataas pa sa 54 degrees Celsius ay kinokonsidera nilang “extreme danger level.”
-- ADVERTISEMENT --