Inihayag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 na isa sa tatlong nasawi sa nangyaring engkwentro ng tropa ng tropa ng pamahalaan sa Sitio Pallay, Brgy.Baliuag, Penablanca Cagayan ay ang pinakamataas na lider ng CPP NPA dito sa Lambak ng Cagayan.

Kinilala ni Plormelinda Olet, director ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 NICA Region 2 ang mga nasawi na sila Edgar Arbitrario na tubong Davao at lider ng CPP NPA sa Cagayan Valley, Daniel Marie Pelio na nagtapos bilang cumlaude sa isang unibersidad sa Manila at Orlando Sagsagat.

Habang ang dalawa namang sumuko sa nasabing engkwentro ay sina Rodel Cadawan, isang agta sa bayang ng Lasam at Vladimir De Lima na mayroong warrant of arrest galing sa RTC Branch 211 Tuao at Branch 26 sa Luna Apayao na residente ng Quezon City.

Ayon kay olet, nakatakda umanong kunin ang bangkay ni Pelio ng kanyang pamilya sa isang funeral parlor dito sa Tuguegarao City habang patuloy pang pinaghahanap ang pamilya ng nasawing lider at nabigyan na rin ng maayos na libing si Sagsagat.

Napag alaman na kumuha ng kursong Civil Engineer ang nasawing lider ngunit huminto sa pag aaral nang maging youth activist.

-- ADVERTISEMENT --

Maliban dito ay inamin rin ng dalawang sumuko na mayroon silang mga kasamahan na gusto na ring sumuko at makapiling ang kanilang pamilya.