Isang aso sa Estados Unidos ang kinoronahan na pinakapangit na aso sa buong mundo.

Ang eight-year-old Pekingese na si Wild Thang ang nanalo sa 2024 World’s Ugliest Dog contest sa California.

Limang beses na sumali sa nasabing contest ang nasabing aso, naging pangalawa ng tatlong beses bago makuha ang unang puwesto ngayong taon.

Nagkaroon ng sakit si Wild Thang noong siya ay tuta pa lamang, ayon sa kanyang biography.

Nakaligtas naman siya at walang permanent damage.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi tumubo ang kanyang mga ngipin, kaya nakalabas lang ang kanyang dila at ang kanang paa niya ay nagpa-paddle.

Inuwi ng may-ari ng aso na si Ann Lewis ang premyo na $5,000.

Ang World’s Ugliest Dog competition ay 50 years nang ginagawa at ito ay pagdiriwang umano sa imperfections ng mga aso na dahilan kaya sila ay itinuturing na special at kakaiba.

Ipinaliwanag ng organizer ng contest, ito ay hindi gawaing kakatawa ang mga pangit na aso, sa halip nay katuwaan sa pagpapakita ng magandang katangian ng mga nasabing aso.