Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 1 ang isang 41-anyos na Filipina na pinaghihinalaang biktima ng mail-order-bride scheme, kasama ang 52-anyos na Moroccan na umano’y asawa nito.

Papasok sana ng Morocco ang Pinay at dadaan muna sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasama ang banyagang lalaki na nagpakilalang mister niya.

Ipinakita pa ng dalawa ang kanilang marriage certificate, ngunit matapos itong siyasatin ng Immigration officer, napag-alamang peke ang dokumento.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang babae at ang dayuhang kasama nito para sa mas malalim na imbestigasyon.