Umaasa ang pamilya ng isang Pinay na namatay sa United Arab Emirates na maiuuwi ang labi nito ngayong linggo.

Sinabi ni Ginang Maricris Ancheta, ina ng namatay na Pinay na si Marjorie Ancheta, tubong Masical, Amulung, Cagayan na sinabi sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 2 na posibleng sa Mierkules o Huwebes maiuuwi ang mga labi dahil inaasikaso na ng employer ni Joy ang mga papeles nito.

Ayon kay Ginang Ancheta, na batay sa pahayag ng kanyang kapatid at maging ng employer ng anak, namatay siya matapos na ma-suffocate sa loob ng kanilang sinakyan na school bus.

Sinabi niya na , tumirik umano ang sasakyan at nagkaroon ng usok sa loob nito.

Ayon sa kanya, lima silang sakay ng sasakyan kung saan nahimatay umano ang apat sa mga ito kabilang ang kanyang anak.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi umano agad nakalabas ang dalawa sa kanila kabilang ang kanyang anak na dahilan ng suffocation at kanyang pagkamatay.

Nagtawag din umano ng pulis ang isa na agad na nakalabas sa sasakyan subalit huli na dahil sa wala nang buhay ang kanyang anak at isa pa na pinoy.

Sinabi ng ginang na galing sa eskwelahan ang mga ito at pauwi na sana sila nang tumirik ang bus sa gitna ng baha.

Ayon kay Ginang Ancheta, mahit isang taon pa lamang sa UAE ang kanyang anak at uuwi sana sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Inulila ni Joy ang kanyang dalawang anak.