
Patay ang isang Filipina nurse nang mabundol ito ng sasakyan sa labas mismo ng pinagtatrabahuhan niyang ospital sa Sacramento VA Medical Center sa California.
Tinukoy ng Sacramento County Sheriff’s Office ang biktima bilang si Novyrose Mejia.
Ayon sa Sheriff’s Office, ang malakas na impact ng sasakyan ay nagdulot para mahulog si Mejia at tumama ang ulo nito sa lupa.
Sinubukan pa naman siyang iligtas ng kanyang mga katrabaho ngunit talagang naging matindi ang tama nito sa kanyang ulo.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Rancho Cordova Police Department at Sacramento County Sheriff’s Office sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --








