Umakyat sa pangatlong puwesto ang salitang “Pinay” na hinahanap sa adult entertainment website na Pornhub.
Ito ay batay sa kanilang pinakahuling yearend data.
Nalampasan ng “Pinay” ang “lesbian” habang ang nasa ika-apat na puwesto nitong nakalipas na taon na “Japanese” ay bumagsak sa No. 8.
Napanatili naman ng “hentai” ang puwesto na nangunguna sa madalas na hinahanap sa nasabing website sa loob ng magkakasunod na apat na taon.
Iniugnay ng website ang pag-angat ng “Pinay” sa tumataas na bilang ng viewers mula sa Pilipinas, na bumaba ng isang spot sa ikatlo sa listahan ng mga bansa na may pinakamaraming traffic sa nasabing website.
Sa edad naman, halos kalahati ng viewers ay mula 18 hanggang 24 habang 28 percent ng viewers ay 25 hanggang 34 years old.
Ang nalalabi na 27 years old ay edad 35 pataas.
Lumabas din sa Year in Review na ang salitang “Pinoy” ang ikatlong pinakamadalas na hinahanap para sa gay searches.
Ang “twink” ang nanguna, at sumunod ang “anime.”
Sa mga bumisita sa website na mula sa Pilipinas, lumabas na 59% ay mga babae, na tumaas ng +1% kumpara noong 2023.
Ayon pa sa Year in Review, 27% ng traffic ay nasa edad 18 hanggang 24, na majority ng mga bumisita sa site. Sinundan ito ng mga nasa edad 25 hanggang 34 na may 24%.
Mayorya umano ng bumibisita sa pornsite ay smartphones ang gamit.
Sumunod naman ang Mexico, Egypt at Colombia.