
Itinanggi ng isang Pinay worker na sangkot siya sa pagpatay sa mag-asawang Hapon na natagpuang may mga tama ng saksak ng kutsilyo sa katawan sa isang kwarto na nasa ilalim ng sahig sa kanilang tahanan sa Adachi Ward sa tokyo
Ayon kay BINC Myles Beltran mula Japan, batay sa pahayag ng trentay-anyos na suspek sa Tokyo police ay mariing pinabulaanan ni Hazel Ann Baguisa Morales ang mga paratang laban sa kanya kaugnay sa pagpaslang sa mag-asawang kapitbahay nito na sina Norihiro Takahashi, 55 yeras old at asawa nitong si Kimie, 52 years old.
Pinaniniwalaang may relasyon si Morales sa trentay-anyos na anak ng mag-asawa at kakilala niya ang mga ito na siyang sentro ng imbestigasyon ng pulisya.
Posible umanong inatake ang mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan dahil sa mga nakitang bakas ng dugo bago dinala ang mga bangkay sa ilalim ng bahay.
Nabatid na iniulat sa pulisya ng anak ng mag-asawa na nawawala ang kanyang mga magulang noong umuwi ito galing sa kanyang trabaho.










