Agad na magsisimula ang mga atletang Pinoy pagdating nila sa France.

Nitong Linggo ng gabi ng dumating na ang delegasyon ng Pilipinas sa Metz, France isang buwan bago ang pagsisimula ng Paris Olympics.

Mayroong 15 atleta ang kasama kung saan pinangunahan ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Paris Olympics chef de mission Jonvic Remulla.

Ang mga atleta naman na kasamang magsasanay sa Metz ay kinabibilangan nina flag bearers Nesthy Petecio at Carlo Paalam kasama ang mga boksingerong sina Hergie Bacyadan at Aira Villegas, mga weightlifters na sina Elreen Ando, John Ceniza at Vanessa Sarno maging ang rower na si Joanie Delgaco.

Ang ilang mga atleta ay nagsimula na ang pagsasanay sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ni POC na madagdagan pa ang mga atleta habang papalapit ang pagsisimula ng Paris Olympics sa darating na Hulyo 26.