Isang Pilipinang domestic worker sa Kuwait ang nahatulan ng kamatayan dahil sa pagkamatay ng anak ng kanyang employer.

Ayon sa DMW, agad silang kumilos kasama ang Department of Foreign Affairs at ang Philippine Embassy upang magbigay ng legal at konsular na tulong.

May abogado na humahawak sa kaso at nakapaghain na ng apela.

Patuloy ding binabantayan ng embahada ang kalagayan ng OFW upang masiguro ang pagrespeto sa kanyang karapatan.

Ipinahayag ng DMW na iginagalang nila ang batas ng Kuwait, ngunit malinaw ang mandato ng pamahalaan na ipaglaban ang karapatan at dignidad ng bawat Pilipino sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ng ahensya, ito ay isang “isolated case” at hindi dapat makabawas sa mabuting pangalan ng milyun-milyong OFW na kilala sa kanilang sipag at propesyonalismo.

Tiniyak ng DMW na hindi iiwanan ang kababayan nating ito at patuloy na kikilos sa lahat ng legal at diplomatiko na paraan upang matiyak ang patas at makatarungang paglilitis.