TUGUEGARAO CITY-Namigay ng tulong sa mga biktima ng pagbaha ang grupo ng mga pilipinong guro sa Hubei, China.

Umaabot sa 300 households na galing sa Enrile, Iguig at Amulung ang naabutan ng relief goods na mula sa Pinoy Teachers Association sa Hubei, China.

Ipinamahagi ang tulong na bigas, noodles at canned goods sa pamamagitan ng kanilang coordinator dito sa lalawigan ng Cagayan na si Engr. Ma. Teresa Lingan ng DENR Region 02 katuwang ang 77th Infantry Battalion, Philippine Army.

Personal na ipinagkaloob ang nasabing tulong sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Office.

Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong kung saan malaking tulong ito lalo na at apektado ang kanilang pangkabuhayan. with report from Bombo Marvin Cangcang

-- ADVERTISEMENT --