
Pumanaw na ang Pinoy engineer at tech innovator na si Diosdado Banatao sa edad na 79.
Kinumpirma ito ni dating Department of Finance (DOF) Secretary Cesar Purisima sa isang Facebook post ngayong Biyernes, Disyembre 26.
Kilala si Diosdado “Dado” Banatao bilang utak sa likod ng semiconductor innovations, katulad ng unang 10-Mbit Ethernet CMOS chip, ang system logic chipsets para sa IBM PC-XT; at PC-AT, ang unang graphics accelerator chip, at ang local bus architecture.
Si Dado rin ang co-founder ng mga kumpanyang Mostron, Chips & Technologies, at S3 Graphics, at ang nagtatag ng Tallwood Venture Capital para suportahan at pondohan ang mga susunod na henerasyon ng mga imbentor at innovators.




