Umaabot na sa P2.7B ang inisyal na halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura matapos ang pananalasa ng Supertyphoon Uwan sa Cagayan Valley.

Ayon kay Kay Olivas ng Department of Agriculture Region 2, naapektuhan ang 48,252 magsasaka at 37,327 ektarya ng lupain ang napinsala.

Pinakamatindi ang pinsala sa lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya at Cagayan lalo na sa high-value crops gaya ng gulay at saging na umabot sa P1.6B.

Nasa P13.7M naman ang halaga ng mga irrigation system ang napinsala at iba pang imprastruktura, dulot ng pagdaan ng bagyo at naranasang flash floods.

Bilang tugon, sinimulan na ng DA ang pamamahagi ng vegetable seeds sa mnga apektadong magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong Linggo nakatakdang pulungin ng DA ang mga Municipal Agriculturist sa rehiyon para naman sa pamamahagi ng mga farm inputs sa mga magsasaka.