TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa mahigit P140M ang inisyal na halaga nang pinsala sa agrikulutura partikular sa mga pananim na mais at palay sa probinsiya ng Cagayan dahil sa naranasang malawakang pagbaha.
Ayon kay Danilo Benitez, Special Assistant for Agriculture ng Office of the Provincial Agriculture (OPA),mga bagong tanim na palay ang karamihan sa mga naanod at nasira kasabay ng pagbaha.
Aniya, karamihan sa mga magsasaka na unang nagtanim ng palay na labis na naapektuhan ay ang bayan ng Tuao, Piat, Solana, Baggao, Amulung, Iguig, PeƱablanca maging dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Kaugnay nito, sinabi ni Benitez na pag-uusapan pa ng kanilang pamunuan ang mga ibabahaging tulong para sa mga magsasaka na labis na naapektuhan sa malawakang pagbaha sa lalawigan